03/01/2016

Minsan,

Sa buhay ko’y dumating

Ang isang taong

Hindi ko inaakalang magiging hiling

Ng puso kong biglang nagising.

Minsan,

Sa buhay ako’y pinasaya,

Pinatawa,  pinagtaka,

At kailan lang binalewala.

Minsan,

Sa buhay ako’y pinangakuan

Subalit hindi ito natupad kailanman

Sana ako’y pinagbantaan,

pinigilan at pinagsabihan.

Minsan,

Sa buhay ako’y iniwan

Di nagtagal ay binalikan,

Pero agad naman ding lumisan.

Minsan,

Sa buhay hindi mapigilang magtanong

Kung bakit bigla ka nalang umurong.

Parang ako’y daan na mali,

At ikaw ay naligaw lamang na gulong sa tabi.

Minsan,

Pag pangalan mo’y nababanggit,

Mayroon pa ding hapdi

Kahit anong pilit

Hindi magawang hindi magbasakali

Na sana’y maulit

 O hindi kaya magsimulang muli.

Minsan,

Hindi ko magawang maging masaya.

Kaligayahan mo’y dahil na sa kanya.

Dati hindi ko ba yan nagawa?

Nasobrahan ba o kulang pa?

Minsan,

Sa buhay nangangarap

Na hindi nalang sana tayo nagkaharap,

Na hindi na ikaw ang aking hinahanap-hanap

Ng puso kong patuloy sa pagpapanggap.

Minsan,

Bagkus anong suklam at galit,

Gusto ko pa rin magpasalamat.

Sa mga ala-ala at aral

Pati ang panandaliang pagmamahal.

Minsan,

Sana hindi nalang

Kaya ngayon ito na ang aking huling pamamaalam;

Ang huling sandali na ako’y aasa.

Maging masaya ka lagi

Dahil balang araw,

Ako na naman ang ngingiti.

PS. Para sa dalawa kong kaibigan na natapos na ang kanilang forever. Maging mayasa kayo. Umaasa pa rin akong matutuloy yan sa tamang panahon. Peace tayo! 

Advertisements

6 thoughts on “03/01/2016

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s