PAANO MAGMOVE- ON

“Magmove- on ka na.”

 Madaling sabihin, mahirap gawin. Hindi mo naman madidiktahan ng basta-basta ang kung anong dapat gawin ng isang tao dahil una, hindi mo alam at naiintidihan pinagdadaanan niya dahil pangalawa, lahat tayo naiiba kasi pangatlo, baka kung paano ka nagmove-on sa ex mo dati hindi applicable sa kanya kasi nga bumalik tayo sa pangalawa, lahat tayo may iba’t-ibang experiences, pagkatao at pananaw sa buhay.

  1. Pwede kang maghalupaypay sa kanal, umiyak ng bato, at mag-luksa. Syempre, nasakatan ka. Normal lang naman sigurong ipakita na hindi ka okay dahil hindi naman talaga(hindi ka manhid). Ilabas mo lang. Idaan mo sa kung anong paraan mo gusto pero wag ka lang mag-bigti.
  2. Hindi ka pwedeng magpakonsensya sa lahat ng tao at lalo na sa kanya. Tanga ka ba o tanga ka lang talaga? Wag kang magself-pity. Kahit ikaw nakipagbreak o siya, wag kang magself-pity at umasang magiging okay na naman kayo sa isang kisap mo lang. Kaya nga kayo nag-break kasi may mali. Eh kung itama mo muna kaya yung mali tapos kung may plano kang makipagbalikan at nagkabalikan kayo ay hindi niyo na masasaktan ang isa’t-isa dahil sa kamalian na yon dahil natuto na kayo.
  3. Unti-untiin mo ang pagtanggap na hindi na talaga kayo pwedeng magkabalikan. Hindi lang siya ang tao sa mundong ito, ang dami pa diyan bulag ka lang(nagbubulag-bulagan lang pala). Hindi lang siya ang may kapangyarihang iparamdam sa’yo na you are loved. Mahirap tanggapin ang katotohanan pero kailangan tayong mabuhay sa realidad. It takes time. Wag ka mag-alala.
  4. Wag mong pilitin sarili mo na makalimot, hayaan mo lang ang sarili mong makalimot. Ang pagmomove-on ay hindi instant oats na i-microwave mo lang ng 2 minutes pwede mo ng kainin. Gaya nga ng sabi ko, it takes time. Kapag palagi mong pinipilit ang sarili mong kalimutan nalang lahat ay mas lalo ka lang masasaktan at iiyak ka na naman. Hayaan mo lang dahil dadating ang tamang panahon na gigising ka nalang na okay ka na, reincarnation part 2 kumbaga. May kirot pa din, oo. Pero kaya mo ng lunukin yon at sabihin sa sarili mong okay na ako kapag nagkita na naman kayo.
  5. Mahalin mo na naman ng buo ang sarili mo. Pagkatapos mong nawalan at nasaktan, may self-doubt ka kung may mali ba sayo. Pero dahil tanggap mo na ang realidad na hindi na kayo pwedeng magkabalikan, subukan mo ulit gawin ang mga ginagawa mo noong hindi pa kayo. Hindi mo ikamamatay ang break-up niyo, nabuhay ka nga noong hindi ka pa pumasok sa isang relationship diba? Wag ka masyado pahalata na OA ka. Back to topic, hindi natin kailangan ng ibang tao para ipadama sa sarili natin na kamahal-mahal tayo kasi tayong lahat naman ay deserving to be loved. Mag-adventure ka; hindi mo kailangan ng rebound. Gawin mo kung anong feeling mo nakakapasaya sayo. Mag-explore ka ng ibang bagay na hindi mo pa nagagawa. Keep yourself occupied. Know your worth again.
  6. Lunukin mo ang pride mo, mag-contemplate ka kung bakit kayo nag-break at gawin mo ang tama. Kung may kasalanan kang ginawa, may mali kang part, nasaktan mo sarili mo o anong rason pa man yan, matuto kang magpatawad at higit sa lahat makalimot. Dahil mahal mo na ang sarili mo, alam mong hindi ka perpekto at tayong lahat nagkakamali. Mag-sorry ka sa kanya, sa sarili mo. Kapag hindi niya natanggap, okay lang; natanggap niya, maayos; nagkabalikan kayo, edi kayo na! Dahil natuto ka na sa pagkakamali mo at reincarnation part 2 ka na, magmamature na ang pananaw mo sa buhay ng mga .5% kaya naman kapag may instance na mangyari na naman yan sa buhay mo ay alam mo na ang dapat na gagawin. Move-on move-on din sa past, past na nga kasi diba? Walang time machine kaya sorry ka nalang. Intindihin mo nalang yung ngayon at ang bukas.
  7. Gawin mong support system ang mga kaibigan mo at pamilya mo. Kaya sila kaibigan at pamilya dahil andyan sila para sayo through thick and thin. Pero please naman, wag naman yung “bes, desperada akong magkabalikan kami” kasi baka sampalin ka lang nila o magcacatfish kayo at mag-sstalk kayo sa ex mo. Dahil nga nasa panahon ka ng drought sa pag-ibig, andyan sila para pasayahin ka. Ngumiti ka rin naman, wag kang masyadong pabebe. Pasalamat ka rin sa kanila kasi andyan sila sa mga panahong kailangan mo sila. Kaya naman kapag may bago ka na naman ulit, wag na wag mo silang kakalimutan o iiwan. Iiwan ka ng pag-ibig mo kahit sa kailan nila gusto; pamilya at mga tunay mong kaibigan hindi. No rebounds please.
  8. Kapag nagkabalikan ba kayo worth it ba? Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung lahat ba ng ginagawa ko ngayon ay magiging worth it sa huli. Kaya feeling ko parang sa love kapag nagmomove-on ka, kailangan mong malaman kung hanggang sa dulo ba ng mundo magiging worth it lahat. Wag mo naman pag-aksayahan ng panahon ang isa pang chance kung sa huli ay lahat ng effort at oras mo mapupunta lang din sa wala. Wag kang mupasok sa isang relationship kung wala rin naman kayong intensyon na humantong sa altar. Hindi yan laruan.
  9. Wag kang magmadaling pumasok na naman sa isang relationship. Yung iba kasi kaya ginagawa yan para pagselosin mga ex o para mahinto na yung sakit na nararamdaman nila. Hayaan mo lang kung san ka man dadalhin ng alon. Maghintay ka lang. Natuto ka na diba? Chances are pag palagi kang nagmamadaling makahanap ng bago o pinipilit mong makipagbalikan sa ex mo, hindi na naman yan magwowork out kaya naman masasaktan at masasaktan ka lang din naman. Sayang ATP production no?
  10. Let God. Sabi nga ni Lola Nidora, lahat ng bagay may tamang panahon. Alam ng Diyos kung kailangan handa ka na at para kanino ka talaga nakalaan. Maghintay ka lang at darating din yan. At pag ang pagkakataong yan ay dumating na, alam mo na ang gagawin mo kasi nga natuto ka na. Matuto ka lang maging matapang. Wala namang relasyon na perpekto. Baka kaya hindi kayo nagwork-out kasi may darating na mas okay, mas deserving, and pangbound to forever na.

    giphy

    Gif grabbed from Google

Kapag nag-break kayo, if it’s meant to be, it will be. Kahit pa ilang months or ilang years kayo hindi nagkita o bitter na bitter kayo sa isa’t-isa. Maaaring nasa ibang lugar pa si destiny at hindi pa tamang panahon para magkita kayo. Ang pag-ibig ay hindi palaging puro saya lang; kailangan din itong dumaan sa kalungkutan upang tayo’y matuto. Hindi ito perpekto, pero dapat mong malaman na gagawin mo lahat para lang magwork-out ang isang bagay. Pero kung hindi na talaga, wag mo naman pilitin. Baka hindi na talaga pwede at mas lalo ka lang masasaktan. It takes two to tango ikanga nila. Para sa akin parte ng pagmamahal ay ang nasasaktan. Kasi kapag mahal mo ang isang tao, mahal mo lang sila kahit ano pa man. Tanggap mo sila kung ano sila, at dahil andyan ang Diyos para sa iyo at sa inyong dalawa. 1 Corinthians 13: 4-8

Disclaimer: Nasulat ko lang siya kasi may kaibigan akong nagluluksa kakabreak lang nila. Okay naman na ata siya. Okay naman ata siyang nagtatampisaw sa kanal ngayon. Pwedeng ang naisulat ko ay applicable sayo o hindi. Hindi rin ako love expert at love veteran, sorry na.

Every happy and heart emoji there is,

Mia

“God never allows a pain without a purpose.”

—Anonymous

Advertisements

2 thoughts on “PAANO MAGMOVE- ON

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s