FACEBOOK HUGOT #2

Eto na naman ako. Walang magawa. Pasensya. Nadamay ka pa tuloy. Lol

12112494_1574238362887456_4170494275088774981_n

Minsan, hindi ko magawang hindi mabahala. Hindi mabahalang magisip-isip sa mga bagay-bagay. Ang lawak lang ng mga tanong na iniisip ko minsan. Ewan ko ba. Siguro kasi minsan curious ako kung ano ang magiging buhay ko o ang mangyayari kung iba ang naging desisyon ko noon. Isa na don ay “kung iba kaya ang nasagot, nasabi, at nagawa ko noon magiging iba kaya ang takbo ng buhay ko ngayon?”. 

Hindi pa rin matanggal sa isip ko eh. Isang ewan ko ba na naman. Stuck at hung up ako sa lahat ng bagay na nagawa ko noon—sa mga part na nasaktan ako o may natalikuran ako.

Kung naging mas matatag kaya ako noon, magiging masaya ba? Magiging worth it ba?

Kung nasabi ko noon sayo yung totoo, may magbabago ba? Masayang pagbabago ba? Magiging panatag ba ako sa huli?

Kung mas pinili kong sundin ang puso ko noon,  hindi ba ito madudurog hanggang ngayon? Magiging mas mahalaga pa ba ang hinaharap?

Kung hindi ba ako naging malabo, magiging klaro ba ang lahat?

Kung pinaglaban ko ba yung ano talaga ang gusto ko, hindi ba ako magsisisi sa bandang huli?

Kung sinubukan ko bang buksan ang puso ko, matututunan ba kitang mahalin? Magiging higit pa kaya tayo sa magkaibigan?

Ang daming tanong ang bumabagabag sa akin hanggang ngayon.  Masaya naman ako. Ang dami kong tanong na para bang ako’y isang bata na makulit na naghahanap ng sagot. Pero sa bandang huli, ako’y parang estudyanteng kinakabahan sa kanyang marka, nababahala na baka bagsak siya kaya takot siyang malaman kung pasa ba siya o hindi—ako yun. Takot akong malaman ang katotohanan. Ang katotohanan na duwag ako, nagkamali ako. Ang katotohanan na lahat ng nangyayari ay para sa hinaharap. Oo, nasaktan ako. Pero lahat ng bagay may dahilan. Ngayon nga lang, takot pa akong malaman ang dahilan. Maaari ko itong ikasaya at ikalungkot. Patawad pero mas natatakot akong ikalungkot ko ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang bumangon at umusad na naman sa isa pag pagkakataon.

Siguro ngayon, itutuloy ko muna ang isang bagay na kung saan magaling ako. Ang tumakbo palayo at hanapin pa ang sarili ko. Ang mahalin ng buo kung sino talaga ako. Para pagdating ng panahon, magiging handa na ako. Handa na akong harapin lahat ng yan dahil alam ko na kung paano bumangon ulit, ng mag-isa. Baka sa hinaharap, ang lahat ay mapupunta sa tamang lugar, at sasaya na ako. Sasaya na ako ng buong-buo.

Hintay-hintay lang. Darating din tayo diyan. Wag ka lang atat. Darating din ang mga pagkakataong yan sayo. Isa-isa. Unti-unti. Dahan dahan ka lang.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s