FACEBOOK HUGOT #3

Naisipan ko lang gumawa na naman nito para bawasan yung stress levels ko konti kahit mali kasi nagtitime kill ako. Bahala na lol

12512410_805213636275977_9030327099864082278_n

“Gibain mo na lahat, wag lang puso’t tiwala ko.”

Tiwala. Isa sa mga pinakavulnerable at intense na salita sa diksyonaryo ko at siguro sa iba rin. Madali naman makipagkaibigan sa kahit sino(except sa mga kagaya ni Loki), mahirap lang magbigay ng tiwala kasi hindi mo sure kung pahahalagahan ba nila yung tiwala na ibibigay mo.

Pistanthrophobia— fear of trusting people due to negative past experiences.

Ang hirap kasi mawala yung tiwala, sobrang hirap ibalik at kalimutan. Yung minamake sure mo na once magtitiwala ka sa isang tao, hindi ka nila bibiguin pero wala eh, nabiyak pa din. Eto yung nakakacreate ng phobia sa iba. Defense mechanism na maging very careful na next time kasi takot na baka maulit, masaktan, at maiyak na naman.

Iba-iba tayong lahat. May mga taong kahit ilang ulit ng nabreak yung trust, magtitiwala pa rin. May mga taong nagbibigay ng isa pang pagkakataon(legit na last na talaga) kung sa tingin nila deserve nila yun. Merong nauuwi sa FO at hindi na talaga nagpapansinan. Pero para sa akin, it takes time. Kapag nabiyak yung tiwala, hintayin mo munang maghilom yung sugat at hindi na negative yung feeling mo kapag naaalala mo yun kasi okay ka na. Kung okay ka na, isipin mo kung deserve niya pa ba ang sa isa pang pagkakataon. Kapag deserving siya, unti-untiin mo. Back to zero pero at least diba may chance. Kapag hindi naman, depende sa’yo kung feeling mo mas okay na yung wag nalang kayo mag-usap talaga or friends pa rin kayo pero hindi na katulad ng dati. Pero ang importante sa lahat, let go.

Alam mo yung feeling na masira yung trust mo kaya pahalagahan mo din yung tiwala na binibigay nang iba sayo. Hindi basta-basta naibabalik ang tiwala at pagsasama ninyo dati pero i-try mo lang. **the things you do for love** Parang plato, pag nabiyak na hindi na pwedeng pilitin ibuo kasi pag pinilit mo mas madadamage lang at masasaktan ka pa. Pwede mong hayaan nalang at itapon, o palitan at ingatang muli.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s