SANA

Sa pagdilat ng aking mga mata
Dalangin ang umagang maganda
Na sana ngayon ako’y sumaya
Kahit ngayon man lang, sana.
Sa bawat pagbangon sana’y magising.
Mga pantasya na minsan ko ring hiniling,
Mga ngiti na minsan ko ring natutunang mahalin,
Kagaguhan at sana’y nagising simula pa noong ika’y dumating.
Pinilit kong bumangon pero ako’y baon pa rin;
Baon sa pag-asang ako’y mahal mo rin sana.
Inakalang totoo pero biro lang pala.
Inasahang iba ka pero ikaw pala’y ganun din.
Katagang binitiwan sana’y hindi ginantihan.
Oo, mahal kita pero sana di ko na lang pinatulan.
Sana’y hindi ko na lang ipinagsigawan,
Sana’y hindi ko na lang ipinaglaban,
Sana’y hindi na lang nagtapat para ngayon hindi nasasaktan.
Gusto kitang sisihin pero hindi ko magawa.
Sana’y biro na lang lahat para hindi ako nagluluksa.
Napagtripan, ginago, at pinaasa mo lang.
Ginawa ko naman lahat pero para sa iyo ito’y wala lang.
Sana kaya kong pumili sa gusto ko at hindi,
Sana kaya kong malaman kung  sa huli ay masasaktan ba o hindi,
Sana kaya kong kalimutan at ibaon ang mga mali.
Sana kaya kung gisingin ang sarili dahil mali.
Ang mahalin ka at sinubukang ipaglaban ay mali pala kasi,
Ito na ang tama at siguradong hindi mali—
Sana hindi ka na lang minahal para hindi nagsisi sa huli.

Mga salita ni Jian Angelo Baulos

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s