HINDI KO NA ALAM

Dumating na hindi inaasahan
Sa panahon na tanging sakit lang ang nararamdaman
Nariyan ka at hindi mo ako iniwanan
Hanggang sa ika’y naging kaibigan
Laking pasalamat sa ‘yong pagdating

Sana nga nama’y malayo-layo pa ang ating marating
Mapangiti at mapatawa ka yan ang tanging hiling
Makasama ka sa mga bagay na gusto kong gawin
Hinihiling sa Maykapal
Mga dasal sana’y dinggin

At tandaan mo mahal
Mahal? Teka mahal?
Ba’t ba ako nalilito?
Hindi ko alam kung ang nagsasalita ay utak ba o puso
Ano na ba itong nadarama ko?
Ba’t parang ang bilis ng ikot ng mundo?
Ano ba ang dahilan ba’t pati ito pinagdadramahan ko?
Hindi ko maintindihan
Kung ano na ba talaga ang nararamdaman

Hinahanap-hanap ka
Kahit kanina lang kasama kita
Ano nga ba talaga itong nararamdaman?
Ba’t ba ako sobrang naguguluhan?

Gusto kitang maging kaibigan
Pero mas lumalalim na ang nararamdaman
At hindi ko maintindahan
Kung ba’t ikaw ay  unti-unting lumalayo
Bakit ba sa akin nagpapakalayo?
Nasasakal ka na ba?
Napapagod ka na ba?
Sa mga dramang paulit-ulit na.
Sa mga rason na binibigkas sa tuwing tayo’y hindi magkatugma

Hindi ko alam
Hindi ko alam kung ba’t ganito ako
Hindi ko alam kung ba’t nagseselos ako
Hindi ko alam kung ba’t hindi makayanang hindi makatanggap ng mga text at tawag mo
Hindi ko na alam kaya patawad.

Patawad kasi yan lang ngayon ang nasa isip ko
Patawad kung nahulog ako
Patawad kung sumobra ako
Patawad kung nasasakal ka na dahil sa nararamdaman ko
Patawad kung nagkaganito ako
Patawad kung pinipilit ko yung mga ayaw mo
Patawad kung sobra na ang pangungulit ko
At higit sa lahat,
Patawad kung minahal kita ng ganito.

Hindi ko inasahan na ang kahahantungan ay ito
Hindi ko inasahan na mahuhulog pala ako sayo
Hindi ko inasahan na mamahalin pala kita ng ganito
Hindi ko inasahan na magiging ganito ka kahalaga sa mundo ko
Kaya pasensya ka na, kung sa ngayon ito lang ang tanging lumalabas sa bibig ko.

Mga salita ni Jian Angelo Baulos

Advertisements

6 thoughts on “HINDI KO NA ALAM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s