KABILANG-BUHAY

Kailangan kong ipaalala sa sarili na lahat ng ito ay laro
Larong taguan sa pagitan ng sana tayo nalang at wag baka pagkakaibigan natin maglaho
Larong kay sarap panaginipan pero sa pagdilat ng mga mata realidad ay di tugma
Bakit nga ba sarili’y hinayaan kahit pinsalang maidudulot alam na sa simula

Nagsimula tayo sa pagkakaibigan
Hindi kailanman naisip na ipaglalapit ng tadhana
Nariyan ka palagi para ako’y paalalahanan
Ngunit sa panahong ito,
Meron kang diwata
Puso ko naman ay naghihilom pa ngunit may nakita ng iba
Sinasabi mo sa akin na,
“Wag, di yan para sa iyo.
Buksan ang mga mata dahil hindi siya karapatdapat sa isang tulad mo.”

Di nagtagal mga salitang iyong binitawan ay tama
Sana nakinig nalang ang mga tenga
Nagkamali na naman sa mga binigkas na mga salita
Sana di nalang kita binalewala

Madalas tayong mag-usap
Mga tawa at kalungkutan na ating binahagi saksi ang mga alapaap
Hanggang sa pagtulog bakas ang saya na para bang niyayakap
Haplos ng iyong pag-aaruga palagi nang hinahanap

Subalit alam na ang tayo sa ating dalawa hindi kailanman mangyayari
Hindi ko alam kung kasalanan ba ng tadhana o dahil sa mga maling pagbabasakali
Siguro dahil lagi tayong sawi
O baka naman hindi lang talaga tayo magkatugma ng landas palagi

Sumabay tayo sa alon ng bukas
Nakakatakot nga lang dahil minsan hindi alam anong mundo ang tatahakin
Sumabay tayo sa takbo ng oras
Pinauubaya sa langit ang hinaharap
Wag kang magalala nakaraan ay hindi ko kakalimutan
Mga alaala natin ay saksi sa ating kasiyahan
Subalit batid ang lungkot dahil sa pagkaudlot

Hindi pa naman tumitigil ang oras
Aasahan ang tamang panahon at tamang pagkakataon
Kahit hindi man magiging tayo ang ikaw at ako
Makita ko lang ang mga ngiti sa labi at kisap ng mga mata
Magiging masaya na rin ang puso

Isang bagay ang natutunan sa ating pagtagpo
Na kahit gaano mo kamahal ang isang tao
Minsan hindi lang talaga kayo ang inilaan sa mundong ito
Pinagdarasal na sana sa susunod nating mga buhay
Ikaw na ang kaagapay

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s