HINDI KO NA ALAM

Dumating na hindi inaasahan
Sa panahon na tanging sakit lang ang nararamdaman
Nariyan ka at hindi mo ako iniwanan
Hanggang sa ika’y naging kaibigan
Laking pasalamat sa ‘yong pagdating

Sana nga nama’y malayo-layo pa ang ating marating
Mapangiti at mapatawa ka yan ang tanging hiling
Makasama ka sa mga bagay na gusto kong gawin
Hinihiling sa Maykapal
Mga dasal sana’y dinggin

At tandaan mo mahal
Mahal? Teka mahal?
Ba’t ba ako nalilito?
Hindi ko alam kung ang nagsasalita ay utak ba o puso
Ano na ba itong nadarama ko?
Ba’t parang ang bilis ng ikot ng mundo?
Ano ba ang dahilan ba’t pati ito pinagdadramahan ko?
Hindi ko maintindihan
Kung ano na ba talaga ang nararamdaman

Hinahanap-hanap ka
Kahit kanina lang kasama kita
Ano nga ba talaga itong nararamdaman?
Ba’t ba ako sobrang naguguluhan? Continue reading

11/23/2016

Masaya ka na? Tanging iniwan mo lang sa akin ay ang mga tanong na palaging bumabagabag sa isipan tuwing ako’y patulog na. Kahit ako’y may ginagawa hindi ko pa rin maiwasang mabahala kung bakit basta-basta nalang ako iniwan. Biglang nakita ko ang pangalan mo sa twitter feed ko. Di ko sinadyang tingnan pero nakita ko kung gaano ka kasaya sa litrato: ang iyong mga mata kasama siya ay iba sa tuwing magkasama tayo at abot langit ang iyong mga ngiti. Sige, masaya ka na nga. Sana patuloy ka pa niyang pasayahin. Sana patuloy niyang gawin ang mga bagay na kailanman hindi mo naramdaman sa akin. Maging masaya ka. Kasi kahit wala naman talaga akong kahulugan sa buhay mo, pinapalaya na kita kahit hanggang ngayon mahal pa rin kita.

FACEBOOK HUGOT #4

Kelangan kong magrelease ng stress kahit magccram na naman ako bahala na kaya pahugot pls

12923280_806016326195708_9076792360786186958_n

Diyan mo lang marerealize ang worth ng isang bagay o tao kapag wala na. Ayan kasi, di iningatan, nga-nga ka tuloy.

Some things are still worth fighting for. Basta alam mong worth it at mutual, pwede pa yan. Just make sure it’s not going to break you more and more. Like yung relationship mo sa studies mo. Hindi man kayo nagkakaintindihan minsan, at the end of the day alam mo pa ring worth it lahat. And wang mo pakialaman ano man yung sasabihin nila sa’yo; buhay mo yan, di mo naman talaga kailangan mag-explain pa sa iba.

May mga bagay din na kailangan nating bitawan para sa mas ikabubuti ng lahat. Yung kahit sagad na sa higpit ang pag-kapit mo, wala eh, nasslip away pa rin. Minsan yun yung dapat o tamang gawin kasi in the process na puro ka hold on, mas lalo ka lang nawawasak. Masakit? Babalik naman yan; yun nga lang, di ka sure if it’s meant to happen or not. Kaya let it go muna. Accept accept.

O baka naman kasi hindi lang talaga sila ang nakalaan para sa atin. May mas darating pa na mas worth it ipaglaban o kaya naman mas deserve mo. Extra hintay lang sa extra atat mong limbic system. Kumbaga, ‘sometimes you have to lose something to gain something better. A door has to shut before a new door can open’. Continue reading

05/16/2016

Isang gabi ako’y nanaginip
Ikaw at ako magkasama
Sa isang espesyal na lugar at pagkakataon
Mga halakhak at saya aking nakita
Nakangiti sa presensya ng bawat isa
Tanaw natin ang karagatan at mga ulap
Tuwa sa ating paligid ating ramdam
Mga problema ating iniwan
Mga sakit dulot nang nakaraan ating nakalimutan
Perpekto ito kung aking maihahalintulad
Ngunit bawat panaginip may kalakip na pag-gising
Nagising ako sa realidad na lahat nang iyon ay pawang panaginip
Hindi kailanman magiging totoo at atin
Hindi ako nalungkot
Hindi ako nabahala
Hindi ako nagsisi
Nasiyahan ako
Dahil kahit lang man sa panaginip
Naramdaman ko ang pagmamahal mo
Kung paano ka tumawa
Kung paano ka ngumiti
Kung paano ka tumingin
Sa realidad imposible itong mangyari
Pero masaya pa rin ako
Dahil kahit lang man sa panaginip
Isa’t-isa’y kapiling
Ngayon kailangan ko ng magising
Sa katotohanang hindi ikaw ay akin
Ngayon kailangan ko ng mamulat
Para sa kasalukuyan at hinaharap
Para sa sarili at sa iba
Ngayon kailangan ko ng matauhan
At sumabay sa alon ng bukas
Ako’y makakahanap din
Nang mas higit pa sa panaginip